Pinoy Big Brother Varsi Edition

  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/amihan/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 879.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_validate() should be compatible with views_handler::options_validate($form, &$form_state) in /home/amihan/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_submit() should be compatible with views_handler::options_submit($form, &$form_state) in /home/amihan/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_style_default::options() should be compatible with views_object::options() in /home/amihan/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_style_default.inc on line 25.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_validate() should be compatible with views_plugin::options_validate(&$form, &$form_state) in /home/amihan/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_submit() should be compatible with views_plugin::options_submit(&$form, &$form_state) in /home/amihan/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
Jan 3 2011

“Makikita na iba’t ibang kagustuhan ngunit iisang patutunguhan…
…Gabay at pagmamahal ang hanap mo, pagbibigay ng halaga sa iyo.”
-mula sa Pinoy Ako ng Orange and Lemons

BAGO PA man naitayo ang bahay si Kuya, hindi na mabilang ang mga buhay na minsang namalagi sa loob ng opisina ng Varsitarian. Ito ang orihinal na ‘bahay’ na kumanlong sa daan daang Tomasinong minsang nangarap o minsang naghanap ng masisilungang tahanan sa Uste.

Walang maririnig na boses mula kay Kuya at wala ring nakasakbit na mga lapel microphone ang mga tao sa loob ng Varsi office. Ngunit gaya ng mga naninirahan sa bahay ni Kuya, maraming task na kailangang gawin ang bawat isa.

Gaya ng mga housemate sa Big Brother, sari-saring tao rin ang makikilala at makakasalamuha sa loob ng Varsi. Mula sa mga geek at bagsakin, o sa mga mala-santo at mala-Santanas, ito lang ang tanging samahang nakalipon ng iba’t ibang uri ng estudyante.

Taun taon, maliban sa pagsulat, pagguhit, o pagkuha ng litrato, may pakulo ang ‘V’ para sa mga tauhan nito. Tradisyon na sa Varsi ang magkaroon ng team building, retreat, at planning workshop sa mga malalayong lugar. Sa mga lugar na ito unang makakaranas ng task ang isang bagitong V staffer. Nariyan na ang lumaban sa isang beauty pageant na gamit ang mga kurtina, dahon, mga kumot, at kung anu ano pang bagay na maaaring magpaganda sa isang kalahok. O kaya nama’y umakyat sa mga puno, gumapang sa putikan, buhatin ang pinakamabigat na tao, maghanap ng itlog sa gitna ng gubat, at kung anu ano pang bagay na ginagawa lamang sa reality shows ngayon.

Ngunit wala nang hihigit pang pasanin sa ultimate task ng lahat—ang kumain ng walang humpay.

Hindi na kinakailangan pang may mahalagang okasyon para makakain sa V.

Sa staff meeting o post-mortem ng pinaka huling issue, nariyan ang gabundok na pizza mula sa Pizza Hut. Wendy’s naman ang katapat ng mga taong nagpupuyat sa paglalatag ng pinakabagong issue. Kung seminar naman para sa mga staff, laging nakahanda ang mga tinapay ng Goldilocks at Tinapayan. At siyempre, hindi mabubuo ang magagarbong handaan ng V kung wala ang mga luto ni Ate Eva. Wala mang sponsored refrigerator ang Varsi, hindi ito nawawalan ng laman mula sa mga sobrang tetra packed juices at tira-tirang inumin.

Kung ang Bahay ni Kuya ay may confession room, ang Varsi naman ay may dark room. Sa kuwartong ito nagaganap ang lahat ng mga bagay na hindi maaaring makita o ipakita kaninuman. Hindi tulad ng napapanood natin sa telebisyon, hindi limitado ang maaaring gawin sa loob ng silid na ito. Iyakan, tawanan, lambingan, sumbatan, bugbugan, harutan, kainan, tawanan, at anu pa mang salitang nagtatapos sa ‘-an’ ay maaaring gawin sa loob ng dark room. Hanggang ngayon, nananatiling nakakulong roon sa silid ang mga mahiwagang pagkakataon ng mga taong minsang nagkulong at ninamnam ang dilim sa loob ng dark room.

At dahil dito, matinding pagsasala ang dinadaanan ng isang Tomasino para mapabilang sa V. Nariyan na pagkahaba habang exam na halos umaabot sa anim na oras, ang kinakatakutang panel interview, at siyempre, ang pagpasa ng kauna unahang article na pinutakte ng mga marka at pang-ookray ng mataray na editor.

Sa likod ng mga mabibigat na balita, de-kalidad na litrato at dibuho, at magagandang kuwento at tula ng Varsitarian, isang samahan ng iba’t ibang uri ng tao ang nabuo. At siyempre, hindi maiiwasan sa loob ng Varsi ang magkaroon ng psychological at emotional trauma lalo na kung bagito pa ang manunulat. Parte ito sa mga task na ipinapataw sa V. Ngunit hindi tulad ng totoong PBB, walang psychologist at psychiatrist na tutulong sa baguhang manunulat na tanggapin nang maluwag sa damdamin ang mga pasanin sa loob ng Varsi. Tanging ang sarili lamang niya at ng mga ka-V ang makatutulong sa isa’t isa. Ito ang natutunan ko sa Varsi—ang samahang hindi natitibag.

Dito ko nakilala ang mga totoong kaibigan na tinaggap ako bilang ako; ang mga taong minsang naging kakampi sa laban, o kaya nama’y ang mga naging kaaway sa tawag ng pagkakataon. Marahil ito ang dahilan bakit mahirap iwanan ang V. Mapa voluntary, forced, o voted eviction man, hindi madali para sa isang Varsi staff ang talikuran ang mga alaalang nagpasaya at nagpatatag sa sarili habang nasa loob ng pahayagan.

Hanggang ngayon, pilit ko pa ring iniisip kung mayroon ba o sino kaya ang ‘Kuya’ na nagtatago sa imahe ng pahayagang ito; ang ‘Kuya’ na nagdidikta sa mga task; ang ‘Kuya’ na taga-bantay ng opisina; o ang ‘Kuya’ na yumayakap sa lahat ng V staff. Isa man itong espirito o tao, nagpapasalamat ako sa kanya. Higit pa sa drama ng totoong buhay ang naranasan ko—ito ang totoong kuwento sa likod ng mga pangarap ng mga tulad kong minsang napadpad sa munting silid ng Varsi. V

Si Michael Louie C. Celis ay unang pumasok sa Varsitarian bilang manunulat sa Filipino noong 2002-2003, Filipino Editor noong 2003-2004, at Associate Editor noong 2004-2005. Kasalukuyan siyang propesor ng Bioethics sa Holy Angel University kung saan niya tinapos ang kanyang Masters in Nursing.