Valiktanaw ng isang promdi

  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/amihan/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 879.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_validate() should be compatible with views_handler::options_validate($form, &$form_state) in /home/amihan/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_submit() should be compatible with views_handler::options_submit($form, &$form_state) in /home/amihan/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_style_default::options() should be compatible with views_object::options() in /home/amihan/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_style_default.inc on line 25.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_validate() should be compatible with views_plugin::options_validate(&$form, &$form_state) in /home/amihan/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_submit() should be compatible with views_plugin::options_submit(&$form, &$form_state) in /home/amihan/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
Jan 2 2011

Ni Jun R. Florencio

Jun R. FlorencioMahirap palang magValiktanaw, lalo na kung ang mga eksenang babalikan sa aking buhay ay mahigit 30 years nang nakaraan, he he he (asa ka pa?). Taong 1972 ako nagsimula sa Uste, kainitan ng aktibismo at kalituhang politikal sa bansa. Halos araw-araw ang mga rally at batuhan ng molotov cocktail sa Plaza Miranda at sa kapaligaran ng University Belt. Maraming aktibong student organizations noon, tulad ng “SDK” na para sa mga aktibo at radikal na kasapi ay may kahulugang “Samahang Demokratikong Kabataan”. Meron namang mga kabataan na katulad kong konserbatibo at ayaw makialam sa mga radikal na pagkilos, at binibirong mga kasapi daw ng “Samahang Double Knit.” Di pa gaanong nagtatagal ang first semester ko sa College of Commerce nang maideklara ang Martial Law. Hindi lang naiba ang ihip ng hangin noon, nag-amoy pulbura pa.

Sa Uste ko nakita na ang damong kulay berde ay nagiging kulay violet din. Naka-formation kami noon bilang ROTC cadets sa football field, sobrang init ng araw, at sobrang tagal ng seremonyas at paekek ng mga commanders bago magparada, habang kaming mga cadets ay tuwid na tuwid na nakabilad sa araw. Isa-isa nang bumabagsak at pinapaamoy ng amonia ang ibang mga cadets. Ayaw ko namang magpahalata na malapit na rin akong bumagsak. Sa paningin ko ay tumatagilid na ang parade grounds at kulay violet na ang kulay ng damo. Umihip ang hangin, may nag order ng tikas pahinga, at muli, naging berde ang kulay ng damo sa paningin ko. Salamat kay Lord, ang damo ay ‘di naging kulay pula.

Ang isang Tomasino ay talagang orig kung nakaranas maapektuhan ng baha, lalo na sa España boulevard. Simple lang ang paliwanag tungkol diyan; kapag ang estudyante ay maraming karanasan sa baha, malaki ang posibilidad na mataas din ang kaniyang attendance. Minsan, maliwanag ang araw sa Montalban kung saan ako nakatira, pero pagdating ko sa Uste, hanggang hita pala ang lalim ng baha at walang klase. Minsan naman, grabe ang ulan sa Montalban kaya ‘di na ako pumasok, yun pala umaraw sa Uste at natuloy ang aming periodic exam. Mula noon, pumapasok na ako kahit malakas ang ulan, pinili kong matakot sa mababang grades at maging handa sa lahat ng uri ng alipunga.

Mahilig akong magsulat ng penpal letters (wala pang Friendster at Facebook noon), mga essays at tula kaya sobra ang appeal sa akin ng Varsi. Third year college ako nang mag try sa competitive exams at swerteng nasali sa editorial staff ng Varsi. Siguro, napansin ng mga advisers na di ako mahilig tumingin sa dictionary kaya sa “Filipino” section ako na-assign. Tuwa naman ako dahil di ako mahilig sa tamang spelling at grammar, mas mahilig kasi ako sa common sense (joke lang po).

Accounting ang major ko, kaya medyo naiiba sa mga ka-Varsi ko na karamihan ay Journalism ang course. Buti na lang at lahat naman kami ay mga mukhang intelihente, ehem. Masaya akong matawag na “man of numbers” at masaya ding matawag na “man of letters”. Dahil dito, pinangarap kong mapuntahan ang lahat ng mga library sa iba’t ibang colleges ng Uste. Wala lang, curious lang ako na malaman kung ano pa ang mga klase ng libro doon bukod sa napakaraming libro sa Main Library.

Siyempre, tinupad ko ang pangarap ko. Mas mahigpit pala ang mga librarian sa mga colleges na di naman ako naka-enroll. Sa College of Medicine, wala sa ground floor ang library, kaya sa kahahanap ko, napadaan pa muna ako sa hallway sa tabi ng cadaver area. Buti na lang at nang makita ko na ang medical library, maganda ang librarian, at mukhang buhay naman. Ang huli kong pinuntahan ay ang library sa College of Theology, mas mahigpit ang bantay, at halos paliguan ako ng holy saliva sa katatanong kung bakit ang isang makasalanang Commerce student na tulad ko ay interesadong pumasok sa library ng mga anghel. Buti na lang at dinala ko ang banal na University prospectus na nagsasabing, bilang estudyanteng Tomasino, pwede kong puntahan ang lahat ng mga library sa campus ng Uste. Nakakaaliw na makita at mabuklat ang mga pambihirang libro doon na maraming siglo na ang edad. Di ko nga lang nabasa dahil panay nakasulat sa latin.

Kung naintindihan ko lang ang mga nakasulat sa Latin noon, baka naging “man of God” din ako (talaga?). V

*Jun Florencio who was the former Filipino Editor of the Varsitarian in year 1975-1976 is now PLDT’s Senior Vice President and Group Head for Internal Audit. He earned his bachelor’s degree in Commerce major in Accounting.